426 - Oh! Krist'yanong Kawal Hayo sa Laban

Oh! Krist'yanong kawal hayo sa laban,
Si Jesus ang nangunguna sa daan
At umaalalay sa kahirapan,
Nang tayo'y magdiwang sa sanlibutan!

REFRAIN

O! Krist'yanong kawal hayo sa laban,
Krus ni Jesus ang ating sinusundan.

Siya ay ihayag at nang tumakas
Ang bumabagabag na si Satanas;
Tulinan ang lakad, dalhin ang hirap
Nang ating malasap, bihis na galak!

REFRAIN

O! Krist'yanong kawal hayo sa laban,
Krus ni Jesus ang ating sinusundan.

Ang kay Kristong kawal hukbong kalakhan
Ay nangapipisang lakip ang tibay;
Sa pakikilaban at nang magdiwang,
Nang pagtagumpayan madlang kaaway!

REFRAIN

O! Krist'yanong kawal hayo sa laban,
Krus ni Jesus ang ating sinusundan.

Piliting lansagin ang bawa't datning
Mga sinungaling; h'wag pagitawing
Maghari sa ati't tayo'y supiling
Papaniwalain sa dayang lihim!

REFRAIN

O! Krist'yanong kawal hayo sa laban,
Krus ni Jesus ang ating sinusundan.

Sulong Kanyang bayan at makipisan
Sa pag-aawitan ng pagdiriwang;
Kay Jesus ibigay ang kapurihan,
Atin S'yang awitan magpa-kaylanman!

REFRAIN

O! Krist'yanong kawal hayo sa laban,
Krus ni Jesus ang ating sinusundan.

0:00 0:00